Talakayan, Tugon at Ugnayan. Sa pangunguna ng ating butihing Governor Joet S. Garcia, nagsagawa ng isang pagpupulong kasama ang mga miyembro ng Provincial Information Technology Office (PITO) upang higit na mas makilala at maunawaan ang lahat ng mga hamon o isyung kinakaharap ng mga miyembro ng PITO sa paghahatid nito ng serbisyo sa publiko. Isinagawa ang nasabing pagpupulong nitong ika-30 ng Agosto taong kasalukuyan sa Provincial Information Technology Office.
Nagpakilala at naghatid ang bawat isa ng mga suhestyon upang mas maging produktibo at maayus ang serbisyong nais ihatid ng PITO sa publiko. Pagkakaroon ng Network Infrastructure, pagpapalakas ng internet connectivity sa Bunker at pagdaragdag ng ilang ICT equipment ay ilan lamang sa mga nakitang solusyon ng bawat isa upang mapataas ang kalidad ng serbisyo ng departamento.
Nagbigay ng positibong tugon ang ating butihing Governor hinggil sa mga nabanggit na solusyon at naghatid ng mga salita ng pagsuporta sa maayus at tamang layunin ng departamento.